http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L – Saknong 347 to 360 (Bakit, Ama Ko?)
(Napanuod mo na ba yung kwento ni Pareng Ed, isang masipag at matiyagang OFW na naubos ang pera nung na-ospital ang kanyang anak, pero nakabangon mula sa kahirapan gamit ang isang… panuorin mo ang kwento niya dito.)
347 – Nagpakilala kay Florante si Aladin mula sa Persiya, anak ni Sultan Ali-Adib.
348 – Sinusubukan ni Aladin na ikwento ang tungkol kay Flerida at ang kanyang ama. Ngunit naunahan na siya ng mga luha.
349 – NIyaya ni Aladin na pareho nilang hintayin ni Florante sa gubat ang katapusan ng kanilang mga kapuspalad na mga buhay.
350 – Hinayaan ni Florante na magkwento si Aladin. Hindi niya ikinuwento ang sarili niyang buhay. Limang buwan silang pumirme duon sa gubat.
351 – Gumala sila sa gubat. Sinumulan ni Aladin ang mga detalye ng kanyang buhay.
352 – Nakaranas si Aladin ng maraming mga giyera, ngunit nahirapan siya ng lubos kay Flerida.
353 – Inihambing ni Aladin si Prinsesa Flerida kay Diana, diyosa ng mga mangangaso (hunters). Inihambing din siya sa mga houri, o mga magagandang mga birheng makakasama ng mga Muslim sa paraiso (heavenly virgins).
354 – Sinuwerte si Aladin at ang kanyang masusing panliligaw ay nagtagumpay, at sila ni Flerida ay nag-ibigan. Yun nga lang, pumasok na sa eksena ang ama ni Aladin.
355 – Duon nagsimula ang paghihirap ng loob ni Aladin. At kahit naging tagumpay siya sa giyera sa Albania, umuwi siya sa Persiya na parang bilanggo.
356 – Ang kasalanan raw niya ay iniwan niya ang mga tropa na walang pahintulot ng kanyang ama. At dahil nabawi ni Florante ang kaharian ng Albania, kailangang pugutan si Aladin.
357 – Nung bisperas o gabi bago ang araw ng pagpupugot, may dumating na heneral sa kulungan ni Aladin. May dala siyang balita na higit pang masaklap kaysa sa kamatayan.
358 – Oo nga, hindi na pupugutan ng ulo si Aladin. Ngunit kailangan siyang umalis sa Persiya bago sumikat ang araw.
359 – Para kay Aladin, mas gugustuhin pa niyang mapugutan, kaysa mabuhay nang alam niyang kapiling mahal niyang si Flerida ang ibang tao.
360 – Anim na taon nang palabuy-laboy si Aladin. Bigla siyang napahinto sa pagkwento, dahil may narinig siyang mga boses sa gubat.
Next: Sa Ngalan ng Pag-Ibig (Saknong 361 to 372)
- Florante At Laura Videos
- Florante at Laura – Pagwawakas – Saknong 393 to 399 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Kamatayan sa Palaso ni Flerida – Saknong 373 to 392 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Ngalan ng Pag-Ibig – Saknong 361 to 372 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bakit, Ama Ko? – Saknong 347 to 360 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Mariing Hampas ng Langit sa Bayan – Saknong 330 to 346 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pangingimbulo — Ugat ng Kataksilan – Saknong 314 to 329 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bayani ng Krotona – Saknong 306 to 313 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Luha ng Pagmamahal – Saknong 290 to 305 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Kagandahang Makalangit – Saknong 274 to 289 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Dakilang Pagpapakasakit – Saknong 258 to 273 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bilin Ko’y Tandaan – Saknong 242 to 257 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pamatid-Buhay – Saknong 224 to 241 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Hiram na Bait – Saknong 206 to 223 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Laki sa Layaw – Saknong 188 to 205 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Uliran – Saknong 172 to 187 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Paglingap ng Persyano – Saknong 156 to 171 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Habag Sa Moro – Saknong 143 to 155 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pakikipaglaban sa Leon [Pagtatagumpay ng Bagong Marte] – Saknong 126 to 142 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Harap ng Panganib – Saknong 108 to 125 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Paghahambing sa Dalawang Ama – Saknong 84 to 107 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pagdating Ng Moro Sa Gubat – Saknong 69 to 83 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Ala-ala Ni Laura – Saknong 41 to 68 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Panibugho sa Minamahal – Saknong 26 to 40 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Masamang Kapalarang Sinapit – Saknong 11 to 25 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pagbubukas – Saknong 1 to 10 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Babasa Nito – Saknong 1 to 6 – Buod – Paliwanag