http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L – Saknong 330 to 346 (Mariing Hampas ng Langit sa Bayan)
(Napanuod mo na ba yung kwento ni Pareng Ed, isang masipag at matiyagang OFW na naubos ang pera nung na-ospital ang kanyang anak, pero nakabangon mula sa kahirapan gamit ang isang… panuorin mo ang kwento niya dito.)
330 – Hindi nagtagal, huminto ang pagdiwang at pasasalamat para sa kalayaan. May sumalakay naman na hukbo mula sa Turkiya (Turkey).
331 – Nag-iyakan ang maraming tao. Natakot si Laura dahil nag-alala siya na baka mapatay si Florante sa bagong giyera na ito.
332 – Iniatas ng hari na si Florante ang magiging heneral laban sa mga Moro. Tumibay ang loob ng taumbayan. Ngunit hindi natuwa ang inggiterong si Adolfo.
333 – Hinayaan ng Langit na manalo si Florante laban kay Miramolin, isang Morong matagal nang kinatatakutan ng Albanya.
334 – May dumating na marami pang ibang digmaan, at nanalo palagi si Florante. 17 na hari ang gumalang sa kanya.
335 – Isang araw, kagagaling lang ni Florante mula sa isang digmaan sa Etolia (Aetolia is a mountainous region of Greece), nakatanggap siya ng liham mula kay Haring Linceo. May kautusang bumalik na siya sa Albanya.
336 – Inilipat ni Florante kay Minandro ang pamamahala ng kanilang hukbo sa Etolia. Dali-daling umalis si Florante mula sa Etolia, biglang pagsunod sa utos ng Hari ng Albanya.
337 – Madilim nung pumasok si Florante sa Albanya. Wala siyang inisip na masama. Payapa ang kalooban niya.
Kaya laking gulat na lang niya nung makita niya na pinaligiran siya ng 30,000 na mga sundalo!
338 – Hindi man lang nagkataon si Florante na ilabas ang kanyang kalis at manlaban. Agad siyang ginapusan (tinali) at inilagay sa isang bilangguan.
339 – Nagulat at nalungkot si Florante nung malaman niya na si Konde Adolfo ang pumatay kay Haring Linceo at kay Duke Briseo (ama ni Florante).
340 – Uhaw sa kasikatan si Adolfo. Gusto rin niya ng kayamanan. At lalo din niyang gustong mamatay na si Florante. Pumasok ang lahat ng ito sa puso ni Konde Adolfo, kaya nagawa niyang magsukab (o magtaksil).
Napakarawal, napadawal, napakasama ng nangyari sa Albanya!
341 – (Kausap ni Florante ang Albanya) – Lalu pang naging kaawa-awa ang Albanya sa ilalim ng isang lider na hangal at masama. Ang haring mahilig sa yaman ay parang parusa ng Langit sa bayan.
342 – Sinabi rin ni Florante na lalu pa siyang minalas, dahil nalinlang o naloko siya ng pag-ibig. Narinig kasi ni Florante na nangako na si Laura na magpakasal dun sa balawis o taksil o mapagkunwaring Konde Adolfo.
343 – Dahil sa nalaman ito ni Florante, lalong kumalat ang sama ng loob sa kanyang buong katauhan. Gusto na niyang mamatay. Gusto na niyang bumalik sa umpisa. Yung umpisa na wala siya. Gusto niyang bumalik sa araw bago siya ipinanganak.
344 – 18 na araw siyang nasa bilangguan. Nainip si Florante at hindi pa siya namatay. Gabi nung kinuha siya sa kulungan, dinala sa gubat, at ipinugal o itinali duon sa puno. (Tandaan: Kinukuwentuhan ni Florante ni Aladin.)
345 – Dalawang araw inikot ni Febo (Phoebus, god of the sun) ang mundo mula nung itinali si Florante sa puno. Akala ni Florante nasa ibang mundo na siya, ngunit nang idilat niya ang kanyang mga mata, ayun siya sa kandungan ni Aladin.
346 – Sinabi ni Florante na ayun ang naging buhay niya na silo-silo (o parang nakatali ng lubid na dobleng paikot) ng sakit. At hanggang sa puntong iyon, hindi pa rin alam ni Florante kung paano magwawakas ang lahat. Dito nagtapos ang mahabang kwento ni Florante, at si Aladin naman ang naghandang magsimula na tungkol sa sarili niya.
Next: Bakit, Ama Ko? (Saknong 347 to 360)
- Florante At Laura Videos
- Florante at Laura – Pagwawakas – Saknong 393 to 399 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Kamatayan sa Palaso ni Flerida – Saknong 373 to 392 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Ngalan ng Pag-Ibig – Saknong 361 to 372 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bakit, Ama Ko? – Saknong 347 to 360 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Mariing Hampas ng Langit sa Bayan – Saknong 330 to 346 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pangingimbulo — Ugat ng Kataksilan – Saknong 314 to 329 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bayani ng Krotona – Saknong 306 to 313 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Luha ng Pagmamahal – Saknong 290 to 305 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Kagandahang Makalangit – Saknong 274 to 289 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Dakilang Pagpapakasakit – Saknong 258 to 273 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bilin Ko’y Tandaan – Saknong 242 to 257 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pamatid-Buhay – Saknong 224 to 241 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Hiram na Bait – Saknong 206 to 223 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Laki sa Layaw – Saknong 188 to 205 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Uliran – Saknong 172 to 187 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Paglingap ng Persyano – Saknong 156 to 171 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Habag Sa Moro – Saknong 143 to 155 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pakikipaglaban sa Leon [Pagtatagumpay ng Bagong Marte] – Saknong 126 to 142 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Harap ng Panganib – Saknong 108 to 125 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Paghahambing sa Dalawang Ama – Saknong 84 to 107 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pagdating Ng Moro Sa Gubat – Saknong 69 to 83 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Ala-ala Ni Laura – Saknong 41 to 68 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Panibugho sa Minamahal – Saknong 26 to 40 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Masamang Kapalarang Sinapit – Saknong 11 to 25 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pagbubukas – Saknong 1 to 10 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Babasa Nito – Saknong 1 to 6 – Buod – Paliwanag