http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L – Saknong 156 to 171 (Paglingap ng Persyano)
156 – Tahimik sina Aladin at Florante. Para silang hinimatay, hanggang lumubog ang araw.
157 – Nang makita ni Aladin na papadilim na, binuhat niya si Florante at bumalik siya sa pinanggalingan sa gubat.
158 – Inilapag ni Aladin si Florante dun sa isang malapad at malinis na bato.
159 – Sinubukan ni Aladin na pakaiinin si Florante. At kahit umayaw si Florante, mahinahon niyang hikayatin siya na kumain.
160 – Nanghina si Florante (naawas) sa sobrang gutom (dayukdok). Tuloy, di sinasadyang nakatulog sa sinapupunan (sa bandang puson.. between the lap and navel or belly-button) ni Aladin.
161 – Magdamag natulog (nang mababaw) si Florante, habang si Aladin naman ay magdamag hindi natulog. Nag-aalala kasi si Aladin na baka may lumapit na hayop at kagatin si Florante.
162 – Pagising-gising si Florante at madalas siyang umungol. Bawat iyak niya ay parang sumasaksak sa maawaing puso ni Aladin.
163 – Nung madaling araw, nung sobrang dilim pa, nakatulog nang husto si Florante. Tahimik ang lahat, hanggang nagbukang liwayway (sunrise).
164 – Lumakas si Florante. Ano yung limang karamdaman? The 5 senses.
sense of sight: paningin
sense of smell: pangamoy
sense of taste: panlasa
sense of hearing: pandinig
sense of touch: pandamdam
165 – Kaya nung kumalat na ang sinag ng araw, dahan-dahang bumangon si Florante, ang nagpasalamat sa Langit sa pagbalik ng lakas sa kanyang katawan.
166 – Tuwang-tuwa si Aladin, at niyakap niya si Florante. Kung noon ay lumuha si Aladin dahil sa awa, ngayon ay lumuha siya sa tuwa (tears of joy).
167 – Hindi mailarawan nang sapat ni Balagtas ang pasasalamat ni Florante. Yun nga lang, nang bumangon si Florante, naalala niya ang mahal niyang si Laura, at naramdaman muli ni Florante ang matinding kalungkutan.
168 – Kapag nakapaghinga ka samantala mula sa sakit na dulot ng pag-ibig, kapag bumalik yung sakit, higit na matindi pa. Doble pa yung sakit.
169 – Bago mahilom ng kasayahan ang sugatang puso ni Florante, umiral na naman ang dating sakit. Parang kutsilyo na nakasaksak nang malalim sa puso ni Florante.
170 – Tinanggap ni Florante ang kanyang paghihirap, habang sabay niyang sinabi na hindi na niya kaya ang pagkawalan ng kanyang minamahal. Sinubukan ni Aladain na pagaanin ang kalooban ni Florante.
171 – Sabi ni Aladin kay Florante na nakita na ni Florante kung paano mag-alala sa kanya si Aladin. Kaya huwag mag-alala si Florante at maghahanap ng solusyon si Aladin.
Next: Uliran (Saknong 172 to 187)
- Florante At Laura Videos
- Florante at Laura – Pagwawakas – Saknong 393 to 399 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Kamatayan sa Palaso ni Flerida – Saknong 373 to 392 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Ngalan ng Pag-Ibig – Saknong 361 to 372 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bakit, Ama Ko? – Saknong 347 to 360 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Mariing Hampas ng Langit sa Bayan – Saknong 330 to 346 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pangingimbulo — Ugat ng Kataksilan – Saknong 314 to 329 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bayani ng Krotona – Saknong 306 to 313 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Luha ng Pagmamahal – Saknong 290 to 305 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Kagandahang Makalangit – Saknong 274 to 289 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Dakilang Pagpapakasakit – Saknong 258 to 273 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bilin Ko’y Tandaan – Saknong 242 to 257 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pamatid-Buhay – Saknong 224 to 241 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Hiram na Bait – Saknong 206 to 223 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Laki sa Layaw – Saknong 188 to 205 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Uliran – Saknong 172 to 187 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Paglingap ng Persyano – Saknong 156 to 171 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Habag Sa Moro – Saknong 143 to 155 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pakikipaglaban sa Leon [Pagtatagumpay ng Bagong Marte] – Saknong 126 to 142 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Harap ng Panganib – Saknong 108 to 125 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Paghahambing sa Dalawang Ama – Saknong 84 to 107 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pagdating Ng Moro Sa Gubat – Saknong 69 to 83 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Ala-ala Ni Laura – Saknong 41 to 68 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Panibugho sa Minamahal – Saknong 26 to 40 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Masamang Kapalarang Sinapit – Saknong 11 to 25 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pagbubukas – Saknong 1 to 10 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Babasa Nito – Saknong 1 to 6 – Buod – Paliwanag