http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L – Saknong 314 to 329 (Pangingimbulo — Ugat ng Kataksilan)
(Napanuod mo na ba yung kwento ni Pareng Ed, isang masipag at matiyagang OFW na naubos ang pera nung na-ospital ang kanyang anak, pero nakabangon mula sa kahirapan gamit ang isang… panuorin mo ang kwento niya dito.)
314 – Limang buwan nanatili si Florante sa Krotona. Gusto na niyang bumalik sa Albanya. Gusto na niyang makita si Laura.
315 – Nagmartsa sila papuntang Albanya. Gusto ni Florante sanag lumipad na parang ibon. Nung makita niya ang mga moog (forts) ng siyudad, bumilis ang kabog sa kanyang dibdib.
316 – Imbes na bandera ng Kristiyano ang nakita ni Florante, bandila ng Persiya ang nakita niya (Medialuna = Crescent moon). Sinakop ni Aladin yung siyudad.
317 – PInahinto ni Florante ang kanyang hukbo dun sa paa ng isang bundok. May nakita silang mga Moro na nagma-martsa.
318 – May kasama silang babaeng nakatali ang mga kamay. Siguro papunta sila sa lugar kung saan pupugatan ng ulo ang babae.
319 – Sa galit, biglang nilusob ni Florante ang Morong malapit sa babae. Tumakbo ang Moro.
320 – Inalis ni Florante ang takip sa mukha ng babae. Si Laura pala!
321 – Pupugutan sana si Laura dahil nung nilapitan siya ng bastos na emir ng mga Persiyano, sinampal ni Laura ito. Pinatawan si Laura ng parusang kamatayan.
322 – Inalis ni Florante ang mga tali na nakapulupot sa mga kamay ni Laura. Iningatan ni Florante na huwag niya mahawakan ang balat ni Laura.
323 – Saka nakita ni Florante yung tingin ni Laura. Isang tingin na naghilom sa naghihirap na puso ni Florante. Narinig pa niya si Laura na nagsabing – Florante, mahal ko..
(Tandaan natin: Nung nagpahayag dati si Florante kay Laura na mahal niya ito, walang sinabi si Laura. Parang na friend zone lang. Pero nung panahon na yun, pumatak ang isang luha ni Laura, kaya nung panahon na yun, hindi naman inisip ni Florante na na friend zone siya.)
324 – Nalaman ni Florante mula kay Laura na binihag ng mga Moro si Haring Linceo (ama ni Laura) at si Duke Briseo (ama ni Florante). Inutos ni Florante na lusubin ng hukbo ang Albanya at bawiin ito mula sa mga Persiyano.
325 – Pagkapasok sa kaharian ng Albanya, dumiretso si Florante sa bilangguan at pinalaya niya ang hari, at ang duke (na ama ni Florante). At dahil maginoo (gentleman) si Florante, pinalaya din niya si Adolfo.
326 – Masaya ang lahat, maliban kay Adolfo. Nainggit kasi si Adolfo sa dami ng puri na natanggap ni Florante.
327 – Nainsulto si Adolfo nung tinawag si Florante na tagapagtanggol ng siyudad, at nagdiwang (nag celebrate) pa ang hari sa palasyo dahil tuwang-tuwa ito kay Florante.
328 – Gustong pakasalan ni Adolfo si Laura dahil gustung-gusto ni Adolfo na makuha ang korona ng kaharian ng Albanya. Nahalata ni Adolfo na mahal pala ni Laura si Florante. (Syempre, nainggit na naman ito.)
329 – Nag-isip na ng maitim na balak si Adolfo laban kay Florante. Alam ni Florante na gagawin ni Adolfo ang lahat, kahit ang pagpatay kay Florante.
Next: Mariing Hampas ng Langit sa Bayan (Saknong 330 to 346)
- Florante At Laura Videos
- Florante at Laura – Pagwawakas – Saknong 393 to 399 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Kamatayan sa Palaso ni Flerida – Saknong 373 to 392 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Ngalan ng Pag-Ibig – Saknong 361 to 372 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bakit, Ama Ko? – Saknong 347 to 360 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Mariing Hampas ng Langit sa Bayan – Saknong 330 to 346 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pangingimbulo — Ugat ng Kataksilan – Saknong 314 to 329 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bayani ng Krotona – Saknong 306 to 313 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Luha ng Pagmamahal – Saknong 290 to 305 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Kagandahang Makalangit – Saknong 274 to 289 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Dakilang Pagpapakasakit – Saknong 258 to 273 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bilin Ko’y Tandaan – Saknong 242 to 257 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pamatid-Buhay – Saknong 224 to 241 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Hiram na Bait – Saknong 206 to 223 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Laki sa Layaw – Saknong 188 to 205 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Uliran – Saknong 172 to 187 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Paglingap ng Persyano – Saknong 156 to 171 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Habag Sa Moro – Saknong 143 to 155 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pakikipaglaban sa Leon [Pagtatagumpay ng Bagong Marte] – Saknong 126 to 142 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Harap ng Panganib – Saknong 108 to 125 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Paghahambing sa Dalawang Ama – Saknong 84 to 107 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pagdating Ng Moro Sa Gubat – Saknong 69 to 83 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Ala-ala Ni Laura – Saknong 41 to 68 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Panibugho sa Minamahal – Saknong 26 to 40 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Masamang Kapalarang Sinapit – Saknong 11 to 25 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pagbubukas – Saknong 1 to 10 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Babasa Nito – Saknong 1 to 6 – Buod – Paliwanag