http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L – Saknong 172 to 187 (Uliran)
172 – Sabi ni Florante kay Aladin – hindi lamang dahilan ng sakit ng aking damdamin, kundi pinagmumulan ng buhay ko mismo (tinutukoy ni Florante si Laura).
173 – Naupo yung dalawa sa ilalim ng puno. Ikinuwento ni Florante kay Aladin ang kanyang buhay, mula umpisa hanggang sa punto na naging masama ang kanyang kapalaran (naparool).
174 – Sinabi ni Florante na ipinanganak siya sa Albanya, sa isang dukado (dukedom) o pamilya ng duke. Si Duke Briseo ang ama ni Florante.
175 – Ang ina ni Florante ay si Prinsesa Floresca.
176 – Pakiramdam ni Florante na kung ipinanganak siya sa Krotona (siyudad ng kanyang ina), imbes na sa Albanya (bayan ng kanyang ama), sana ay naging mas masaya si Florante.
177 – Ikinuwento ni Florante na ang kanyang ama na si Duke Briseo ay naging tagapag-payo kay Haring Linceo, sa lahat ng bagay. Pangalawa siya. Siya rin ang nagbibigay ng direksyon para sa bayan.
178 – Si Duke Briseo ay parang perpektong bersyon ng kabaitan sa Albanya. PInakamatalino. Pinakamagiting. Pinakamapagmahal sa anak. Pinakamarunong mag-guide at magturo ng anak.
179 – Naalala ni Florante kung paano siya tawagin nuon (nung munting bata pa siya) ni Duke Briseo: Floranteng bulaklak kong natatangi o nag-iisa. (My one and only special flower.)
NOTE: Hindi po natin mahulaan kung bakit bulaklak ang tingin ni Duke Briseo sa kanyang anak. Dahila kaya sa kulay ng buhok ni Florante? Or dahil sobrang kinis ng mukha ni Florante?
180 – Yun ang tawag kay Florante mula nung bata siya. Una niya itong narinig mula sa kanyang mga magulang. Yun ang kanyang ambil / palayaw / nickname. At ngayon na siya’y naghihirap, parang naririnig niyang may tumatawag sa kanya gamit ang palayaw na ito.
181 – Sinabi rin ni Florante na nung bata pa siya, muntik siyang nadagit (na-snatch) ng isang buwitre (vulture) o ibong kumakain ng mga patay o malapit nang mamatay na mga hayop.
182 – Ikinuwento daw sa kanya (Florante) ng kanyang ina na nung tulog ang munting si Florante dun sa malaking bahay na kinta (or villa, in English, quinta in Spanish) nila sa bundok, may pumasok na ibon. Yung buwitre ay may sensitibong pang-amoy. Kaya nitong amuyin ang patay na hayop mula tatlong legwas (leagues). Ang distansiya ng is legwas ay tatlong milya (miles) or 4.828 kilometros.
183 – Sumigaw si Prinsesa Floresca, at na-alerto ang pinsan ni Florante na si Menalipo na taga Epiro (Epirus – isang rehiyon sa hilagang kanluran ng Gresya o northwestern Greece – nakadikit ito sa Albanya). Pinana ni Menalipo (Minelipus) ang buwitre. Agad namatay yung ibon.
184 – Sa ibang pagkakataon naman, bago pa lamang natutong maglakad nang mag-isa si Florante dun sa gitna ng salas, may dumating arko (ibong falcon) at inagaw nito ang kupidong diamante (hearts and arrows diamond cut) na nasa dibdib ni Florante.
NOTE: The Hearts and Arrows Diamong Cut involves precision cutting. It is symmetrical.
185 – Nung si Florante’y siyam na taong gulang, madalas siyang gumala at maglaro sa burol (hill). Pinapana niya ang mga ibon.
186 – Tuwing umaga, nung bagong labas palang ng araw, andun na si Florante sa tabi ng gubat, kasama ang kanyang mga alagad.
187 – At hanggang tumaas na ang sikat ng araw (Febo – Phoebus – sun god), malamang tanghaling tapat, andun si Florante sa parang (fields).
Next: Laki sa Layaw (Saknong 188 to 205)
- Florante At Laura Videos
- Florante at Laura – Pagwawakas – Saknong 393 to 399 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Kamatayan sa Palaso ni Flerida – Saknong 373 to 392 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Ngalan ng Pag-Ibig – Saknong 361 to 372 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bakit, Ama Ko? – Saknong 347 to 360 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Mariing Hampas ng Langit sa Bayan – Saknong 330 to 346 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pangingimbulo — Ugat ng Kataksilan – Saknong 314 to 329 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bayani ng Krotona – Saknong 306 to 313 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Luha ng Pagmamahal – Saknong 290 to 305 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Kagandahang Makalangit – Saknong 274 to 289 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Dakilang Pagpapakasakit – Saknong 258 to 273 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bilin Ko’y Tandaan – Saknong 242 to 257 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pamatid-Buhay – Saknong 224 to 241 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Hiram na Bait – Saknong 206 to 223 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Laki sa Layaw – Saknong 188 to 205 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Uliran – Saknong 172 to 187 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Paglingap ng Persyano – Saknong 156 to 171 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Habag Sa Moro – Saknong 143 to 155 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pakikipaglaban sa Leon [Pagtatagumpay ng Bagong Marte] – Saknong 126 to 142 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Harap ng Panganib – Saknong 108 to 125 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Paghahambing sa Dalawang Ama – Saknong 84 to 107 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pagdating Ng Moro Sa Gubat – Saknong 69 to 83 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Ala-ala Ni Laura – Saknong 41 to 68 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Panibugho sa Minamahal – Saknong 26 to 40 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Masamang Kapalarang Sinapit – Saknong 11 to 25 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pagbubukas – Saknong 1 to 10 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Babasa Nito – Saknong 1 to 6 – Buod – Paliwanag